Growth at attack rate ng COVID-19, ikokonsidera na ng DOH sa pagrerekomenda ng quarantine classifications 

Sisilipin na rin ng Department of Health (DOH) ang two-week growth rate ng COVID-19 cases maging ang daily attack rate ng virus sa gagawin nilang rekomendasyon sa quarantine classifications. 

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ikukumpara ang mga numero ng mga kasong naitala sa loob ng kasalukuyang dalawang linggo sa kasong naitala sa nakalipas na dalawang linggo. 

Aalamin din naman sa attack rate kung gaano karami ang mga taong tinatamaan ng sakit sa loob ng isang lugar bawat araw. 


Ang mga nasabing datos ang magiging batayan kung ano ang magiging community quarantine status ng isang lugar. 

Pero sinabi rin ni Vergeire na kasama rin sa magiging basehan ang case doubling time at mortality doubling time bilang overall guide. 

Facebook Comments