Pangulong Rodrigo Duterte at Angel Locsin, “most admired” man at woman sa Pilipinas ngayong 2020 

278

Kinilala sina Pangulong Rodrigo Duterte at aktres na si Angel Locsin bilang most admired man and woman in the Philippines ngayong 2020.

Batay sa taunang survey ng YouGov, isang British research at analytics firm, nakakuha ang Pangulong Duterte ng score na 19.67% habang si Locsin ay mayroong 15.03%.

Kabilang pa sa mga pasok na lalaki ay sina Senator Manny Pacquiao na pumapangalawa sa score na 10.65%, sinundan ni Manila Mayor Isko Moreno, sa 7.96%.

Sa mga babae naman, pasok si Miss Universe 2018 Catriona Gray (11.09%) at singer Sarah Geronimo (7.48%) bilang pangalawa at pangatlong spots.

Pasok din ang aktres na si Liza Soberano, na nanguna sa survey noong 2018, habang pang-lima si Vice President Leni Robredo.

Samantala, si dating US President Barack Obama at asawa nitong si Michelle Obama ang itinanghal na world’s most admired man and woman.

Facebook Comments