Manila, Philippines – Suportado ng Movement Against Tyranny ang pagbuo ng isang alyansa na lalaban sa sinasabing mga extrajudicial killings ng mga ordinaryong magsasaka at kanilang mga lider.
Tinawag ang bagong alyansa na Citizens For Land Reform And Against Martial Rule o CLAMOR.
Batay sa datos ng CLAMOR, may naitala ng 91 na kaso ng extrajudicial killings sa mga lider ng mga magsasaka at mga ordinaryong magsasaka na naiuugnay sa New People’s Army sa ilalim ng Duterte administration.
Karamihan sa mga pagpatay ay nangyari sa konteksto ng pakikipaglaban ng mga agrarian reform advocate sa mga lupang kinakamkam ng mga malalaking korporasyon.
Facebook Comments