Grupo ng commuters, tinutulan ang P3 taas sa minimum fare

Natataasan ang grupong Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) sa tatlong pisong hiling na dagdag sa minimum fare ng mga driver at operator.

Kung maaalala, maghahaiin ng petisyon ang ilang driver at operator sa tanggapan ng Land Transportation and Franchising Regulatory Board o LTFRB para taasan ang pamasahe dahil mataas ang gasolina sa ngayon.

Ayon kay Atty. Ariel Inton, pinuno ng LCSP, batid nila ang pangangailangan ng mga driver pero dapat mabalanse ito sa hanay ng commuters o pasahero.


Para sa LCSP, piso lamang ang naangkop sa dagdag pasahe imbis na tatlong piso

Sa huli, sinabi ni Inton na dapat ituloy pa rin ng gobyerno ang pagbibigay ng tulong at suporta sa mga driver at operator lalo’t nasa gitna tayo ng pandemya na limitado ang kapasidad na maaring isakay upang makasunod sa health protocol.

Facebook Comments