Umaasa ang ilang grupo ng healthcare workers na maisasakatuparan ang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na tataasan niya ang Special Risk Allowance para sa mga nagsisilbi ngayong COVID-19 pandemic.
Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Alliance of Health Workers President Robert Mendoza na hanggang sa ngayon ay marami pa rin kasing mga medical workers ang hindi pa nabibigyan ng benepisyo.
Ito aniya ang dahilan kung bakit marami na ang nagbitiw sa pwesto at mas pinili na lamang na mangibang bansa.
Samantala, muli namang nanawagan si Filipino Nurses United Vice President Eleanor Nolasco na ibigay muna ang mga karampatang benepisyo ng mga health workers na una nang ipinangako ng pangulo.
Facebook Comments