Berjaya Hotel, wala nang dahilan para mag-operate mula nang suspendihin ng DOT ang accreditation – Makati LGU

162

Iginiit ng lokal na pamahalaan ng lungsod ng Makati na wala nang basehan para mag-operate pa ang Berjaya Hotel.

Ito ay matapos na ipasara ng Makati LGU ang nasabing hotel dahil sa paglabag sa health protocols kasunod ng pagtakas ng tinaguriang ‘Poblacion Girl’ na si Gwyneth Chua sa quarantine hotel na kalaunan ay nagpositibo sa COVID-19.

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Atty. Don Camiña, pinuno ng Makati City Law Department na binawi nila ang business permit ng Berjaya dahil wala na naman itong accreditation mula sa Department of Tourism.


Kasunod nito, inabisuhan na rin aniya nila ang Berjaya na makipag-ugnayan sa Bureau of Quarantine para sa paglilipat ng mga natitira nilang guests sa ibang mga pasilidad.

Facebook Comments