Grupo ng kababaihan, naglayag upang pag-aralan ang plastic pollution sa karagatan

Image via BBC

Isang grupo ng kababaihan ang naglayag sa buong mundo upang i-raise ang awareness ng plastic pollution sa karagatan.

Ang eXXpedition ay nakabisita na sa Caribbean, South America and North Pacific Gyre, mga kilalang karagatan upang magsagawa ng pananaliksik sa mga nagagawa ng plastic na nakakasira sa marine ecosystem.

Ayon sa United Nations, 13 na milyong tonelada ng plastic ang napupunta sa karagatan kada taon at nagpapabagal ng food chain ng aquatic ecosystem.


Plastic rin ang nakitang bagay sa pinakamalalim na parte ng mundo, ang Mariana Trench.

Ayon sa panayam ng TIME kay Penna, isa sa eXXpedition, plano nilang puntahan ang North Atlantic, South Atlantic, South Pacific, Indian at Arctic.

Hinikayat niya rin ang mga kababaihan na magtulungan sa kanilang role na magpakalat ng kamalayan tungkol din dito.

Mayroon na ring isang pag-aaral na pwedeng maipasa ang micro-plastics sa mga hindi pa napapanganak na fetus.

Sa darating na Hunyo 8 ay World Oceans Day.

Facebook Comments