Grupo ng manggagawa, may banta kay Pangulong Duterte kung sakaling hindi aalisin sa pwesto si Labor Secretary Bello

Manila, Philippines – Nagbanta ang mga manggagawa kay Pangulong Rodrigo Duterte na aalisin ang kanilang suporta sa Pangulo sakaling hindi tatanggalin si DOLE Secretary Silvestre Bello III sa kanyang pwesto.

Ayon kay Bukluran ng mga Manggagawang Pilipino President Leody De guzman binigyan nila ng isang taong palugit si Pangulong Duterte na sibakin na sa pwesto si Bello dahil kontrolado umano ang kalihim ng mga Oligarch o mga malalaking negosyante at pahirap lamang sa mga maliliit na manggagawa.

Nilinaw ni De Guzman na tiwala pa rin ang mga manggagawa kay Pangulong Duterte pero kung hindi pa rin tatanggalin si Bello magdududa na umano sila kung posibleng nakinabangan din ba ang Pangulo sa mga desisyon ng kalihim.


Giit ni De Guzman na magsasagawa sila ng malawakang kilos protesta sa Mayo a-uno upang iparating kay Pangulong Duterte ang kanilang kahilingan na masibak sa pwesto si DOLE Secretary Bebot Bello III.
DZXL558

Facebook Comments