Senator Poe, kontra sa death penalty kung walang reporma sa justice at law enforcement system

Manila, Philippines – Mananatili ang pagtutol ni Senator Grace Poe sa panukalang ibalik ang parusang bitay sa bansa.

Ito ayon sa senadora ay kung magkakaroon ng reporma sa sitema ng ating hudikatura at sa hanay ng kapulisan.

Giit ni Senator Poe, kailangang ayusin ang law enforcement system sa harap ng mga reports kaugnay sa umanoy pagtatanim ng ebidensya ng mga pulis, rub out killings at napapatay kahit sa kulungan.


Nangangamba si Senator Poe, kapag hindi nagkaroon ng reporma sa judicial system at law enforcement ay baka tanging mga mahihirap na walang kakayahang kumuha ng magagaling na abogado ang maging target ng parusang bitay.

Facebook Comments