
Makikiisa ang Lawyers Against Corruption sa anti-graft rally sa February 25.
Ayon kay Atty. Zoe Caballero, ito ay pagpapatuloy ng isinagawang protest rally noong September 21 at November 30 kontra korapsyon.
Aniya, kinakailangang makialam na ang mga grupo ng abogado sa harap ng walang pakundangang pagkulimbat sa bilyun-bilyong pisong kaban ng bayan.
Aniya, hindi lamang ang mga flood control projects ang tadtad ng korapsyon ngayon kundi maging ang mga farm to market roads.
Naniniwala ang grupo na kapag nawala na ang korapsyon sa bansa magiging maayos ang buhay ng mga Pilipino.
Ang Lawyers Against Corruption ay may mga miyembro na mula sa NCR, Samar, Cebu at Davao.
Facebook Comments










