Umapela sa Korte Suprema ang Integrated Bar of the Philippines (IBP) Cebu City Chapter at mga law school sa Cebu na ipagpaliban ang 2020-2021 Bar Examinations na magsisimula sa Enero 16.
Sa joint resolution, sinabi na tatlo sa local testing sites partikular ang University of Cebu, University of San Carlos at University of San Jose Recoletos ay nagtamo ng pinsala at nawalan ng suplay ng kuryente, tubig at internet connection.
Ayon pa sa IBP Cebu City at mga law school, karamihan din sa mga bar examinee sa Cebu, Bohol, Southern Leyte, at iba pang lugar sa Mindanao ay lubhang naapektuhan at nagamit ang resources na para sana sa pagsusulit, sa pagsasaayos ng kanilang tirahan.
Apektado rin anila ng kalamidad ang mga volunteers na court personnel at lawyers na magsisilbing proctors sa bar exams.
Base rin sa resolusyon, sa katapusan pa ng Enero 2022 maibabalik nang buo ng Visayas Electric Company ang kuryente sa Cebu.
Wala naman katiyakan na maibigay ang mga telecommunication company kung kailan maibabalik ang kanilang serbisyo at kung ito ay stable sa araw ng pagsusulit.