Grupo ng mga doktor at pribadong ospital sa bansa, nanawagan na kay Pangulong Duterte na i-convert ang mga hotel bilang temporary hospital facility

Dahil sa patuloy na pagdami ng kaso ng COVID-19 at full capacity sa mga ospital sa Metro Manila, umapela na ang ilang grupo ng mga manggagamot at pribadong ospital kay Pangulong Rodrigo Duterte na gawin nang temporary hospital ang ilang hotel sa bansa.

Ayon kay Philippine College of Physicians Vice President Dr. Maricar Limpin, sumulat na sila kay Pangulong Duterte upang irekomenda na i-convert ang mga hotel sa Metro Manila bilang health care facility at pangasiwaan ng mga healthcare workers mula sa labas ng National Capital Region.

Giit ni Limpin, sa pamamagitan nito ay matutugunan ang dumaraming bilang mga COVID-19 patient sa mga ospital sa Metro Manila na puno na ang kapasidad.


Samantala, sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Private Hospitals Association of the Philippines, Inc (PHAPI) President Dr. Jose Rene de Grano na bukod sa full capacity na sila, isa rin sa kanilang problema ang kawalan ng healthcare workers na titingin sa mga pasyente.

Kaya mainam aniya na ang mga mild to moderate cases ay maaaring dalhin sa mga converted hospital facility upang mabawasan ang mga dinadala sa mga ospital.

Nabatid na kinukulang na rin ang supply ng Personal Protective Equipments (PPEs) para sa mga hospital staff.

Facebook Comments