Grupo ng mga doktor, may payo sa gobyerno kaugnay sa pagluluwag ng pagpapatupad ng health protocols

Pinayuhan ng Philippine College of Physicians (PCP) ang gobyerno kasunod ng pagluluwag ng pagpapatupad ng health and safety protocols sa bansa dahil sa epekto ng COVID-19.

Ayon kay PCP President Dr. Maricar Limpin, mababa pa rin ang vaccination rate o bilang ng mga nabakunahan sa bansa at katunayan din aniya ay wala pang 10% ng populasyon ang naturukan ng COVID-19 vaccine.

Partikular namang pinag-iingat ang publiko lalo na ang mga senior citizens na huwag lumabas ng bahay kung hindi naman kinakailangan kahit nabakunahan na.


Iginiit naman ni Limpin ang patuloy na pagsusuot ng face mask at face shield para sa dagdag na proteksyon laban sa virus.

Facebook Comments