Grupo ng mga doktor, naghahanap ng mga paraan para mapanatiling mababa ang COVID-19 cases sa bansa

Pinababantayan ng grupo ng mga doktor sa pamahalaan ang bahagyang pagtaas ng COVID-19 positivity rate sa Metro Manila.

Ayon kay Philippine College of Physicians President Dr. Maricar Limpin, tinatalakay na ng mga medical community ang mga posibleng paraan para panatilihing mababa ang COVID-19 cases sa bansa.

Aniya, hindi naman kasama sa mga pinag-uusapan ang muling paghihigpit sa paggalaw ng tao o ang alert level status.


Giit ni Limpin, ang pamumuhay sa gitna ng virus ay hindi nangangahulugan na kailangan nang kalimutan ang mga protective measures laban dito.

Samantala, sinabi ni OCTA Research Fellow Dr. Guido David na kailangan pa ring pagsuotin ang mga bata ng face masks lalo na ang mga hindi bakunado.

Paliwanag ni David, ang pagtaas ng COVID-19 sa United Kingdom ay dahil sa hindi pagsusuot ng face masks ng mga residente. .

Facebook Comments