Grupo ng mga doktor, pupulungin ng IATF sa Malacañang bukas

Pupulungin ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang grupo ng mga medical professionals sa Malacañang bukas.

Kasunod ito ng apela ng mga doktor at nurse sa pamahalaan na dalawang linggong isailalim sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) ang Metro Manila dahil sa patuloy na paglobo ng kaso ng COVID-19.

Ayon kay Philippine College of Physicians President Dr. Mario Panaligan, masaya sila sa naging hakbang ng IATF para malaman ang kanilang mga hinaing.


Giit niya, maraming health workers ang napapagod na at marami sa kanilang hanay ang tinatamaan na rin ng sakit.

Aniya, kahit pa dagdagan ang bed capacity ng mga ospital para sa mga pasyenteng may COVID-19, problema pa rin ang kapos na bilang ng mga medical workers.

Dahil dito, umaasa ang grupo na magiging maayos ang pulong nila sa IATF.

Facebook Comments