Grupo ng mga doktor, suportado ang second booster shot ng mga senior citizen at immunocompromised individuals

Pabor ang isang grupo ng mga doktor sa pagbibigay ng ikalawang booster shot sa mga nakatatanda at immunocompromised individuals.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Dr. Imelda Mateo, presidente ng Philippine College of Chest Physicians na ang dagdag na booster dose ay magbibigay ng 30% na dagdag immunity laban sa COVID-19 sa targeted population.

Ayon kay Mateo, mahalaga ang 30% na ito sa mga nakatatanda lalo na kung may karamdaman pa sila.


Paliwanag pa nito, maaring maibigay ang 2nd booster dose tatlong buwan matapos ang unang booster dose o depende sa assessment ng kaniyang physician.

Inihalimbawa pa ni Mateo ang pagsisimula sa pagbibigay ng ikalawang booster shot o 4th dose ng COVID-19 vaccines sa Israel habang plano na ring sumunod dito ang Cambodia, Denmark at Sweden.

Facebook Comments