Mga Pinoy sa Israel na naipit dahil sa travel restrictions, dagsa ngayon sa Philippine Embassy para kumuha ng passport

138

Kinumpirma ng Philippine Embassy sa Israel na dumadagsa ngayon ang mga Pilipinong kumukuha at nagre-renew ng passport.

Partikular ang mga Pinoy na nagbabalak umuwi ng Pilipinas matapos na ibaba ang Alert Level nito sa Level 1.

Bukod sa passport renewals, marami ring mga Pinoy sa Israel ang nagpapanotaryo ng mga dokumento.


Sunod naman na tutukan ng consular team ng Philippine Embassy ay ang mga Pinoy sa Haifa.

Target ng embahada na mapagkalooban ng consular services ang mga Pilipino sa Haifa sa katapusan ng buwan ng Mayo.

Facebook Comments