GRUPO NG MGA DOLPHINS, NASAGIP SA DODAN, APARRI

Anim na dolphin ang na-rescue ng mga residente ng Brgy. Dodan, Aparri, Cagayan matapos makulong sa lambat ng isang mangingisda sa lugar noong Hulyo 27, 2022.

Ayon na PNP Aparri, natanggap nila ang impormasyon kaugnay sa grupo ng dolphin na nakulong sa lambat mula sa DA-BFAR 02 Cagayan Provincial Fisheries Office (PFO).

Agad namang rumesponde ang dalawang tauhan ng PFO na sinanay sa Marine Mammal Stranding and Rescue Operations upang sagipin ang mga dolphin at ligtas na pinakawalan ang mga dolphin.

Kaugnay nito, nakatanggap rin ang PNP Appari ng impormasyon kaugnay naman sa napadpad na pawikan sa dalampasigan ng Brgy. Padaya sa kaparehong bayan.

Agad rin na pinakawalan ang mga pawikan.

Ayon kay Dr. Jefferson Soriano, Focal person ng DA-BFAR 2 Marine Mammal Stranding and Rescue Operations Task Force, may iba’t ibang dahilan kung bakit naiistranded ang mga marine mammal.

Maaaring natali sila sa mga gamit ng mangingisda, dahil sa hindi pangkaraniwang panahon o pangyayari sa karagatan tulad ng lindol at iba pa.

Facebook Comments