Manila, Philippines – Nagbabala ang isang grupo ng mga Grab driver na kasama sa mga made-deactivate sa posibleng pagtaas ng pasahe at pahirapang pag-book sa ride-hailing firm na Grab.
Ito ay kasunod ng pag-deactive ng Grab sa 8,000 unit nito kasama ang mga hatchback at mga hindi nakapagproseso ng mga kailangang dokumento sa LTFRB noong nagdaang anim na buwan.
Giit ni Leonardo De Leon, chairman ng Transport Network Vehicle Service Hatchback Community, bababa ang kanilang supply na magreresulta sa pagkakaroon ng surge.
Samantala, natakda namang humarap ngayong araw ang Grab sa LTFRB para ipaliwanag ang dahilan nila sa pag-deactivate ng nasa 8,000 unit.
Base sa rekord ng LTFRB, nasa 40,522 na ang TNVS units na nabigyan ng prangkisa at halos 20,714 ay may pansamantalang permit para makapag-operate.
Nagbukas din ng 10,000 para sa bagong TNVS unit ang LTFRB.