Tigil-pasada ng TNVS sa Lunes masusundan pa ayon sa hatchback community

Hindi lang sa Lunes, July 8 kundi magtutuluy-tuloy pa ang transport holiday na ikinasa ng Transport Network Vehicle Service (TNVS) sa bansa.

Ito ang banta ni Jun De Leon, chairman ng Hatchback Community, grupo ng malilit na sasakyang namamasada bilang TNVS partners.

Sabi ni De Leon, hanggat hindi nila nakukuha ang kanilang inilatag na demand ay hindi sila titigil sa pangangalampag sa DOTr at LTFRB.


Kabilang sa mga demand na ito ay ang moratorium o pagpapatigil sa panghuhuli ng TNVS, paglalatag ng systematic application process at pagbalangkas ng batas para dito at pagpapadali ng proseso sa pagkuha ng prangkisa o Certificate of Public Convenience.

Mula alas sais ng umaga sa Lunes, ay mag-o-offline na ang kani-kanilang system at hindi muna tatanggap ng pasahero ang mga TNVS operators at drivers na sasaksi sa ikinasang transport holiday.

Facebook Comments