Grupo ng mga health professional, nagkasa ng motorcade bilang pagpapakita ng suporta sa ginagawang imbestigasyon ng Senado sa kontrobersiyal na kontrata sa Pharmally

Sinimulan ng mga grupo na bumubuo sa SHAPE UP Defeat COVID-19 na kinabibilangan ng health professionals ang kanilang motorcade patungong Senado.

Una silang nagtipon-tipon sa kahabaan ng TM Kalaw sa lungsod ng Maynila kung saan ayon kay Dr. Eleonor Jara, tagapagsalita ng grupong Shape Up, pasasalamat na rin ito sa Senate Blue Ribbon Committee na hindi tumigil sa imbestigasyon para malaman ang katotohan sa kontrobersiyal na kontrata sa Pharmally.

Nabatid na ikinalulungkot ni Dr. Jara na nangyari ang katiwalian sa panahon ng pandemya na marami ang nangangailangan ng tulong kabilang na ang mga nawalan ng kabuhayan at mga nagkasakit.


Dismayado rin ang grupo sa ginagawang pag-aabogado ni Pangulong Rodrigo Duterte na isang pagpapakita sa pagkunsinti nito sa mga isinasangkot at tangka na itago ang katotohanan.

Naniniwala pa ang grupo na hindi ito magagawa kung walang kasabwat na malapit sa Malacañang.

Facebook Comments