Grupo ng mga healthcare worker, muling nagkasa ng kilos-protesta sa DOH

Muling nagkasa ng kilos-protesta ang iba’t ibang grupo ng healthcare worker sa mismong tanggapan ng Department of Health (DOH) sa Sta. Cruz, Maynila

Ito ay para kalampagin ang mga opisyal mg DOH hinggil sa mga benepisyo at kompensasyon na hindi pa rin naiibigay sa healthcare workers sa gitna ng nagpapatuloy na COVID-19 pandemic.

Kabilang sa mga nagprotesta ay nasa halos 100 na mga miyembro ng Alliance of Filipino Workers-Sentro ng mga Nagkakaisa at Progresibong Manggagawa na binubuo ng mga healthcare worker mula sa mga pribado at pampublikong ospital.


Kanilang panawagan na itigil na ang lokohan kung saan ibigay na ang pondo para sa mga healthcare worker.

Mahigit dalawang taon na raw kasi ang pandemya at tuloy-tuloy ang trabaho ng healthcare workers pero marami pa rin sa kanilang ang naaabuso, hindi nababayaran ng tama o walang nakukuhang suporta.

Kasama sa sinisingil ng mga healthcare worker ay ang Special Risk Allowance o SRA, One COVID-19 allowance o OCA at iba pa.

Facebook Comments