Grupo ng mga human rights advocate, nagkasa ng kilos-protesta sa Maynila

Nagkasa ng kilos-protesta ang Philicone Alliance of Human Rights Advocate (PAHRA) sa Maynila kasabay ng ika-76 na anibersaryo ng Universal Declaration of Human Rights ngayong araw.

Ang nasabing grupo ay sinubukang magtungo sa Mendiola pero naharang na sila ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) sa tapat ng University of the East.

Nais ng grupo na pananagutin ang administrasyon ng dating Pangulong Rodrigo Duterte at Marcos administration sa umano’y mga aksyon na may paglabag sa karapatang pantao at pagkasangkot sa korapsyon.


Bukod sa mga barikada ng pulisya, nakaharang na rin ang dalawang truck ng Bureau of Fire Protection para harangin ang mga nagra-rally kung sakaling magpumilit.

Nasa 200 indibidwal ang nakibahagi sa kilos-protesta pero may iba pang grupo ang nagsasagawa ng programa sa Liwasang, Bonifacio.

Dahil dito, bahagyang bumagal ang daloy ng trapiko sa bahagi ng Morayta Street, Legarda at Mendiola kung saan sarado na sa motorista ang nasabing bahagi ng Recto Avenue.

Facebook Comments