Manila, Philippines – Nagbabala ang Cordillera Peoples Alliance sa nakaambang pagpapatupad ng Martial law sa buong bansa.
Ayon kay Windel Bolinget, Chairperson ng Cordillera Peoples Alliance, tulad ng kanilang ginawa noong batas Militar ni Marcos, nakahanda silang magbantay at labanan ang panunumbalik ng batas militar sa ilalim ng Duterte administration.
Wala aniyang ipinagkaiba si Duterte at Marcos na ipinapakita ng pagiging marahas ng una.
Iginigiit ng grupo na itigil na ang pambobomba sa at militarisasyon sa mga conflict areas sa Mindanao.
Nagbubunsod aniya ito sa mga pag-aresto at paglapastangan sa karapatan ng mga Lumad.
Ang grupo ay nakikibahagi ngayon sa protest caravan kaugnay ng 100 years na kaarawan ni dating Pangulong Marcos.
Facebook Comments