Grupo ng mga katutubong Lumad, inalmahan ang pagpapatupad ng National ID System

Manila, Philippines – Hindi napapanahon ang National ID System sa panahon na may Martial Law sa Mindanao.

Ganito ang mariing pagtutol ng grupo ng mga katutubong Lumad sa panukalang National ID system na maglalaman ng mga confidential information ng bawat indibidwal.

Ayon kay Datu Jomorito Guaynon, Miyembro ng Sandugo National Council, kapag ipinatupad ang National ID system ay maraming mga Lumad ang hindi makakabiyahe , makakapamasyal o malilimitahan ang galaw sa harap ng ipinatutupad na martial Law sa Mindanao.


Marami sa Lumad ay halos hindi makakuha ng simpleng cedula o barangay clearance lalupa kaya kung pambansang ID ang i require sa kanila.

Dahil aniya sa kahirapan, malaking populasyon ng Lumad ang hindi makakuha ng kaukulang dokumento sa barangay.

Binigyan diin ni Guaynon na kailangan munang ayusin ang sistema ng pag census na marating ang pinaka liblib na lugar at gawin itong libre .

Facebook Comments