Kahilingan na makapagpiyansa ng anak ni dating Maguindanao Gov. Andal Ampatuan, kinatigan ng Court of Appeals

Manila, Philippines – Pinagtibay ng Court of Appeals (CA) ang desisyon ng Quezon City Regional Trial Court (RTC) na pumapayag sa pagpipiyansa ng anak ni dating Maguindanao governor Andal Ampatuan, Sr.

Batay sa resolusyon ng Appelate Court, bigo ang prosecution na makapaghain ng mabigat na ebidensya na kokontra sa desisyon ng mababang hukuman para sa pagpipiyansa ni Datu Sajid Ampatuan.

Si Datu Sajid ay isa sa respondents sa Maguindanao massacre kung 58 katao ang nasawi kabilang na ang 32 journalists noong November 2009.


Bukod kay Datu Sajid, pinayagan din ng Court of Appeals na makapagpiyansa ang labing-anim na pulis na kabilang sa 98 na akusado sa Maguindanao massacre case.

Facebook Comments