Grupo ng mga mag-aaral, duda sa resulta ng DNA test sa bangkay na natagpuan sa Nueva Ecija

Manila, Philippines – Pinagtatakahan ng League of Filipino Students na nagnegatibo sa resulta ng DNA test ang bangkay na natagpuan sa Nueva Ecija bilang si Reynaldo De Guzman, gayung kinilala naman anila ito ng kaniyang mga magulang.

Gayunpaman, ayon kay JP Rosos, tagapagsalita ng LFS, si Reynaldo man o hindi ang bangkay na natagpuan sa Nueva Ecija, hindi aniya maitatanggi na marami nang mga kabataan ang nadadamay sa mga patayang mayroong kinalaman sa kampaniya kontra iligal na droga.

Ayon kay Rosos, kahit ano pa man ang mga susunod na mangyayari, nananatiling kasuklam-suklam parin ang sinapit nila De Guzman, Arnaiz at Delos Santos kaya’t nararapat lamang na mayroong managot sa mga patayang ito, partikular aniya ang mga sangkot na pulis at ang Pangulo na siyang nag-uutos sa mga ito.


Matatandaang noong nakaraang linggo sa Nueva Ecija, natagpuan ang di umano’y bangkay ni Reynaldo De Guzman ang 14 na taong gulang na binatilyo na huling kasama ni Carl Angelo Arnaiz bago ito mapatay noong madaling araw ng Agosto 18.

Facebook Comments