Manila, Philippines – Tutol ang grupo ng mga mag-aaral sa isinusulong na Mandatory Drug Testing ng mga high school student na sisimulan sa susunod na school year.
Ito ayon kay JP Rosos, national spokesperson ng League of Filipino Students ay dahil hudyat na ito na dadalhin na sa loob ng mga paaralan ang ipinatutupad na Oplan Tokhang sa langsangan.
Aniya, hindi rin dapat ito sangayunan ng mga magulang dahil baka isunod na sa patayan ang mga kabataan na pinagbibintangang sangkot sa iligal na droga.
Ayon kay Rosos, senyales rin umano nito na wala nang balak itigil ang administrasyong Duterte sa ginagawa nitong pagpatay sa mga di umano’y sangkot sa iligal na droga.
Facebook Comments