Tiwala ang Pork Producers Federation of the Philippines (ProPork) na tototohanin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbawi sa pinayagang taripa sa pork imports at pagtaas ng Maximum Access Volume (MAV).
Ayon kay Nicanor Briones, Vice President for Luzon ng ProPork, posibleng magkaroon ng krisis sa suplay ng karneng baboy kapag nalugi ang mga local hog raisers.
Habang maaari rin aniyang tumigil ang maraming backyard raisers sa pag-aalaga ng baboy dahil sa epekto ng African Swine Fever (ASF) at Executive Order No. 128 ni Pangulong Duterte.
Sa ngayon, sinabi ni Department of Agriculture Assistant Secretary Noel Reyes na posibleng isang taon na lamang tatagal ang pagpapatupad ng EO 128.
Facebook Comments