Kinalampag ng grupo ng mga magsasaka ang pamahalaan na tutukan ng maigi ang sektor ng agrikultura sa bansa.
Ito ay kasunod ng naranasang walang tigil na pag-ulan dahil sa sama ng pahahon sa ilang bahagi ng bansa na nagdulot ng pagkasira ng maraming pananim.
Sa isang panayam, sinabi ni Pambansang Kilusan ng mga Magsasaka legal officer at advocacy leader na si Ka Rene Cerilla na mahalagang intindihin ang kalagayan ng mga palayan na isa sa mga lubos na naaapektuhan kapag may sama ng panahon.
Samantala, ipinanawagan din ni Cerilla ang mahigpit na pagbabantay sa pagpupuslit ng mga sibuyas, lalo’t apektado rin ang mga magsasaka.
Facebook Comments