Grupo ng mga magulang at mga kabataan, umaapela kay Pangulong Duterte na i-veto ang Vape Law

Nagsama-sama ang ilang grupo ng mga magulang, mga kabataan at mga cause-oriented groups para ipanawagan kay Pangulong Rodrigo Duterte na i-veto sa Vaporized Nicotine Products Regulation Bill.

Nangangamba ang mga grupo dahil makaraang makalusot na sa bicameral conference committee ang naturang bill, hindi pa rin ito naita-transmit sa Office of the President.

Ayon kay Ben Nisperos, legal officer ng Health Justice, dapat protektahan ni Pangulong Duterte ang kaniyang legacy na kontra sa mga dangerous substances.


Aniya, hindi malayong kumikilos na ang tobacco industry at mga kakampi nilang mambabatas upang maubusan ng panahon ang pangulo na busisiin ang Implementing Rules and Regulations ng batas.

Nangangamba naman ang Child Rights Network na mapasakamay ng mga kabataan ang mga e-cigarette dahil sa niluwagan ang edad ng mga maaaring maka-access dito.

Lumilitaw kasi sa datos ng Department of Education (DepEd) na 87,000 ng mga mag-aaral ay pasok sa minimum age na makaka-access sa vape.

Una nang pinag-iingat ng World Health Organization (WHO) ang publiko sa panganib ng mga chemicals sa mga electronic nicotine delivery system.

Facebook Comments