Petro Gazz, magro-rollback sa presyo ng diesel bukas

137

Kung ang ilang kompanya ng langis ay nagpatupad ng malakihang pagtaas sa presyo ng diesel ngayong araw, nag-abiso naman ang Petro Gazz na magbababa ito ng presyo ng kanilang diesel sa loob ng apat ng araw.

Sa abiso ng nasabing oil company, epektibo bukas, June 8, alas-6:00 ng umaga ang rollback nila na ₱3.50.

Tatagal ito hanggang sa June 11 ng alas-10:00 ng gabi.


Mayroong 142 na gasolinahan ng nasabing oil company sa buong bansa na pwedeng puntahan ng mga motorista.

Ang nasabing rollback ay bilang tulong na rin ng Petro Gazz bilang sa mga motoristang gumagamit ng diesel kasama na ang mga pampublikong sasakyan.

Facebook Comments