Nagkasa ng kilos protesta ang ilang grupo sa labas ng tanggapan ng Commission on Elections (COMELEC) ngayong umaga.
Ito’y para ipanawagan na idiskwalipika ang mga nanalong partylist na may kaugnayan umano sa teroristang Communist Party of the Philippines – New People’s Army (CPP-NPA).
Partikular ang Kabataan Partylist, Gabriela at Act Teachers.
Bukod dito, nais rin nila ipatanggal na sa listahan ng mga partylist ang Anakpawis at Bayan Muna.
Iginigiit ni Ginang Remy Rosadio na Presidente ng League of Parents of the Philippines, may nakabinbin na kaso ang mga nasabing partylist kaya’t nananawagan sila na huwag ito payagan makaupo sa pwesto.
Sinabi pa ni Ginang Rosadio, may mga hawak silang matibay na ebidensiya na nagpapatunay na ang mga partylist na ito ay nauugnay sa mga terosistang NPA.
Dahil sa rally ng nabanggit na grupo, pansamantalang isinara ang General Luna Street na tapat mismo ng Comelec.