Tinatayang nasa dalawandaang milyong pisong halaga ng mga pekeng damit ang nasabat ng Bureau of Customs sa Pasay City .
Ito ay matapos salakayin ng pinag sanib puwersa ng Intellectual property division at Counter Intelligence division na pawang nasa ilalim ng Customs Intelligence and Investigation Service o CIIS ang dalawang building na nagsisilbing ware house ng mga pekeng gamit.
Ayon kay CIIS Head Ret. Col. Neil Anthony Estrella – isang James Chua ang nagpakilalang may ari ng nasabing warehouse pero hindi pa nila na beberipika ang nasabing impormasyon.
Ang sigurado lang aniya sa kasalukuyan ay bibigyan nila ng labing limang araw ang may ari ng mga pekeng gamit para makapag presinta ng mga karampatang dokumento kung legal bang naipasok sa bansa ang mga ito.
Pero malinaw aniya na lumabag ang may-ari sa intellectual property rights dahil sa pamemeke ng mga international at local brands kaya kahit makalusot man aniya ang mga ito sa kasong smuglling ay may kaso paring kakaharapin ang mga ito.
Sa oras na hindi makapag sumite ng dokumento ang may ari ng mga pekeng gamit ay kukumpiskahin na ng customs ang mga damit at saka sisirain base na rin sa naka saad sa saligang batas.
Facebook Comments