Dala ang kanilang banners at placards, nag-rally sa harap ng gusali ng DOLE ang mga miyembro ng grupong PAGGAWA.
Inihirit ng mga ito kay Labor Sec. Silvestre Bello III ang paggawa ng draft para sa isang security of tenure bill at iendorso nito ang pagbabawal sa lahat ng uri ng contractualization.
Ipinaliwanag ng mga militanteng grupo na ang minimum wage ng mga manggagawa ngayon ay laging kapos sa pangangailangan ng isang pamilyang Pilipino.
Pinabubuwag din ng grupo ang Regional Wage Board at sa halip ay magpatupad ng National Wage Board na tatalakay sa pasahod ng mga manggagawa.
Umalma rin ang grupo sa panukalang batas ng isang partylist group na naglalayong palawigin pa sa dalawang taon ang probationary period ng isang manggagawa bago ito maging regular mula sa kasalakuyang anim na buwan lamang.