Grupo ng mga manggagawa, nagsagawa ng black Friday protest sa Mendiola

*Manila, Philippines – Naglunsad ng Black Friday protest ang mga miyembro ng Kilusang Mayo Uno na limang araw nang nagkakampuhan sa makasayasayang Mendiola o Don Chino Roces bridge.*

*Bago ang aktibidad, nagsalo muna sa mainit na kape ang mga manggagawa na maagang gumising mula sa mga itinayo nilang mga kubol sa kanilang kampuhan.*

*Ayon kay Ed Cubelo ng koalisyon ng mga mangaggawa kontra kontraktualisasyon, alas diyes ngayong umaga magkakaroon ng salubungan para sa parating nilang mga kaalyado saka sila magmamartsa mula Morayta para makiisa sa isinasagawang kampuhan sa mendiola.*


*Bukas, araw ng Sabado ay maglulunsad din ng protesta ang grupo sa harapan ng us embassy bilang bahagi ng mga patikim na kilos protesta bago ang SONA ni Pres. Duterte.*

Facebook Comments