Grupo ng mga mangggawa, naghain ng petisyon para sa 100 pesos emergency wage increase

Humirit sa National Wages and Productivity Commission ng 100 pesos na dagdag sa sahod ng mga manggagawa ang isang labor group.

Sa petisyon ng Defend Jobs Philippines, ipinaliwanag nito na ang nasabing halaga ay para sa emergency wage relief across-the-board increase ng mga manggagawa sa gitna ng pandemya.

Ayon kay Christian Loyd Magsoy, ang tagapagsalita ng grupo, 2018 pa huling tumaas ang sahod ng mga manggagawa sa National Capital Region at ito ay P25.00 lamang kada araw.


Sinabi pa ni Magsoy na ang dapat na tinatanggap na sahod ngayon ng isang manggagawa para sa kanyang pamilya na may limang miyembro ay 31,089 pesos, o katumbas ng halos 1,022 pesos sa isang araw.

Sa ngayon, 537 pesos lamang kada araw ang minimum wage ng mga manggagawa sa NCR.

Facebook Comments