Mga Senior Citizens na nakatanggap ng social pension sa Western Visayas, umabot na sa 69,000 – DSWD 6

10

Kalibo, Aklan — Umabot na sa 69,876 na mga indigent senior citizens ang nakatanggap ng social pension sa Western Visayas. Base sa record ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) 6, Iloilo ang may pinakamaraming nabigyan ng social pension na umabot sa 40,273. Sinusundan ng Antique – 14,078; Aklan – 5,253; Negros Occidental – 4,930; Guimaras – 3,519; at Capiz – 1,859. Samantala, umabot na sa P 209 million na pondo ang naipalabas ng DSWD 6 sa nasabing programa. Sa ngayon ay nagpapatuloy pa ayon sa DSWD ang pamimigay nila ng social pension para makatanggap ang lahat na benepisyaryo.

Facebook Comments