Nagsagawa ngayon ng kilos protesta ang grupo ng mga magsasaka at mangingisda sa labas ng Mega Q-Mart sa Quezon City.
Ito ay upang tutulan ang importasyon ng mga agricultural product sa bansa partikular ang 60,000 metriko tonelada ng Galunggong na magsisimula na ngayong buwan.
Panawagan ng grupong Amihan, i-boycott ang mga imported na Galunggong na papatay umano sa kabuhayan ng mga mangingisda sa bansa.
Nais din nila na panagutin ang mga mambabatas na nasa likod ng mga anti-farmers policy tulad ng Rice Liberalization Law.
Giit ng grupo, nabigo ang mga polisiyang ito sa pangakong murang presyo ng mga bilihin na nagresulta sa pagkalugi ng mga magsasaka sa bansa.
Facebook Comments