Grupo ng mga medico-legal experts, handang idipensa ang PSG sa isyu ng unregistered COVID vaccine

Handang ipagtanggol ng mga medico-legal experts ng Philippine Medical Association ang Presidential Security Group (PSG) kaugnay ng isyu ng pagpapabakuna ng unregistered COVID-19 vaccine.

Nainiwala si PMA Head Atty. Leo Olarte na hindi dapat managot o makulong ang mga miyembro ng PSG dahil may exempting circumstances sa kanilang naging aksyon.

Nangako si Olarte na pagkakalooban ng legal assistance ang mga miyembro ng PSG sa sandaling igiit ng Senado na ipatawag ang mga ito at paimbestigahan.


Aniya, bagama’t unregistered pa sa FDA ang vaccine, ang ginawa ng PSG ay isang pagsunod sa kanilang superiors para sa isang lawful purpose.

Isa aniyang selfless act ang ginawa ng PSG dahil sa kabila ng pwedeng malagay sa alanganin ang kanilang kalusugan ay pinili nilang magboluntaryo na magpabakuna para lamang maproteksyonan si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito aniya ay isang act of heroism na dapat papurihan sa halip na batikusin.

Facebook Comments