Lalaking sinilaban ang isang babaeng konduktor sa QC, kinilala na ng QCPD

545
Photo Courtesy: PTV (Screen Grab)

Kinilala na ang lalaking sinilaban ang isang babaeng konduktor ng bus at sa kalaunan ay sinilaban din ang sarili sa Quezon City.

Sa report ng QCPD, kinilala ang lalaki na si Edwin Bejos,19-anyos.


Lumilitaw sa imbestigasyon na dating mag-live-in partner ang lalaki at ang babaeng konduktor na si Amelene Sembana.

Nagkaroon sila ng tatlong anak na kalaunan ay nagkahiwalay rin.

Mayroon nang kinakasama ang babae na naging ugat ng kanilang hindi pagkakaunawaan.

Sa ngayon ay wala pa ring umaako na kamag-anak sa labi ng lalaki.




Facebook Comments