Naglatag ng panuntunan para sa mga susuportahang kandidato sa 2022 national and local elections ang isang militanteng grupo ng mga guro.
Sa isang statement, sinabi ng Alliance of Concerned Teachers na susuportahan nila ang mga kandidatong magsusulong sa pagtataas ng suweldo ng mga teaching at non-teaching staff at ang paglalaan ng mas malaking pondo para sa sektor ng edukasyon.
Ayon pa sa ACT, dapat ding maging malinaw ang agenda ng mga kandidato pagdating sa edukasyon.
Hiling din ng grupo na mabigyan ng mas mataas na sahod ng mga bagong guro sa mga pampublikong paaralan.
Nabatid na sa ngayon, umaabot lang ang sahod ng mga guro sa ₱25,000 kada buwan.
Nanawagan din ang mga guro para sa pagkakaroon ng ligtas, accessible at dekalidad na edukasyon, epektibong tugon sa pandemya at respeto at pagkilala sa karapatan ng mga guro.