Lacson-Sotto tandem, hinimok ang mga Pinoy na pasyalan muna ang Pilipinas bago mag-travel abroad

Hinikayat nina Partido Reporma Chairman at standard-bearer Senator Panfilo ‘Ping’ Lacson at ng kanyang running mate na si Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III ang mga Pilipino na nagbabalak na mamasyal sa ibang bansa na bisitahin muna ang magagandang lugar sa Pilipinas bago bumisita abroad.

Ayon tambalang Lacson-Sotto, magandang pagkakataon para pasyalan ang mga tourist spot sa bansa ngayong bumababa na ang kaso COVID-19 at mas maraming lugar na ang nagbukas para sa turismo.

Katunayan, sabi ni Lacson, maging siya ay may mga hindi pa napupuntahang lugar sa Pilipinas at patuloy pa siya sa pagdiskubre sa mga natatagong destinasyon sa ating bansa.


Kasabay nito, inihayag din ni Lacson ang pagsusulong niya na mapaganda pa ang mga tourist spot sa bansa nang hindi nasisira ang natural nitong ganda.

Dagdag pa ng beteranong senador, lahat tayo ay maaaring makapag-ambag para mapalakas ang ating turismo at ekonomiya lalo na ang mga millennial na bumubuo ng kanilang travel goals.

Facebook Comments