MANILA – Nagpahayag na ng pagkabahala ang grupo ng mga negosyanteng dayuhan sa bansa kaugnay sa naganap na pagdukot at pagpatay sa Korean businessman na si Jee Ick Joo.Ayon sa joint foreign chambers – nakababahala ang tila kawalan ng sapat na kakayahan ng pamahalaan na panatilihin ang peace and order sa bansa.Kasapi ng nasabing grupo ang mga negosyante mula sa US, Australia, New Zealand, Europe at JapanSa pahayag ng grupo, sinabi nilang nakikiisa sila at suportado nila ang pangamba na inilahad ng Korean chamber sa Pilipinas.Ayon sa grupo, dahil sa brutal na pagpatay kay Jee Ick Joo, malinaw na nalagay sa alanganin ang garantiya na kaya ng law enforcers sa ng pilipinas na panatilihin ang kaligtasan ng mga dayuhan.
Facebook Comments