Iginiit ng Philippine Federation of Bakers Association Inc., na panahon na para itaas ang presyo ng tinapay.
Sinabi ni PFBA President Chito Chavez sa interview ng RMN Manila na ilang taon nang hindi ginalaw ang presyo ng Pinoy Pandesal at Pinoy Tasty.
Nabatid na noong 2016 pa nanatili sa 35 pesos ang isang loaf ng Pinoy Tasty at 21.50 pesos para naman sa kada sampung piraso ng Pinoy Pandesal.
Paliwanag ni Chavez, malaki na ang sinakripisyo ng mga producers kahit na patuloy na tumataas ang presyo ng raw materials sa paggawa ng tinapay.
Facebook Comments