Mga naarestong lumabag sa gun ban, umabot na sa mahigit 300 ayon sa PNP

56

Nadagdagan pa ang bilang ng mga naarestong indibidwal na lumabag sa umiiral na election gun ban.

Batay sa datos ng Philippine National Police (PNP) as of 6:00 AM ngayong January 24, 2022, umabot na sa 343 ang mga gun ban violator na naaresto.

Ito’y mula sa 318 na naitala lamang kahapon.


Samantala, nakapagtala na ang PNP ng 38, 341 checkpoints mula noong January 9 nang magsimula ang gun ban paghahanda para matiyak na magiging payapa at maayos ang gaganaping eleksyon sa Mayo.

Magtatagal ang gun ban hanggang June 8, 2022.

Facebook Comments