Tutol ang grupo ng mga Pilipinong nurse na gamitin ang Sinovac sa mga hindi health workers kung mababa naman ang efficacy rate ng bakuna.
Sa interview ng RMN Manila kay Filipino Nurse United President Maristela Abenojar, sinabi nitong kung ang mismong Food and Drug Administration (FDA) ay hindi naniniwalang epektibo ang bakuna sa health workers ay hindi rin ito epektibo sa ibang indibidwal.
Dagdag pa ni Abenojar, hindi pwede na iturok sa ibang mga nasa listahan ng priority lalo na kung hindi naman nila ito inirerekomenda sa mga health workers.
Matatandaang kahapon ay inaprubahan na ang Emergency Use Authorization (EUA) ng Sinovac vaccine pero kasunod niyan ay hindi naman ito inirerekomenda ng FDA na gamitin sa mga nasa top priority list ng mga mababakunahan.