Grupo ng mga private school, handang magbukas ng klase sa Hunyo; pero ilang pribadong paaralan, nanganganib nang magsara

Handa ang grupo ng mga private school sa bansa na simulan ang kanilang pasukan sa orihinal nitong buwan sa Hunyo.

Ito ay sa kabila ng plano ng Department of Education (DepEd) na ipagpaliban ang pagbubukas ng klase dahil sa banta ng COVID-19.

Ayon sa Federation of Associations of Private School Administrators (FAPSA), sakaling matuloy ang school opening sa Hunyo, gagawin nila ito sa pamamagitan ng “blended learning” o ang paggamit ng online media at ang tradisyunal na face-to-face teaching.


Pero ang Parents-Teachers Association (PTA) federation, nangangamba na baka mapag-iwanan dito ang mahihirap na estudyante dahil sa kawalan ng gadgets para sa isinusulong na online classes.

Hindi rin pabor ang pta sa pagbabalik ng klase sa Hunyo.

Samantala, ilang pribadong paaralan naman ang posibleng mapilitan nang magsara dahil sa pagkalugi bunsod ng ilang buwang kanselasyon ng klase dahil sa COVID-19 pandemic.

Facebook Comments