Grupo ng mga retiradong opisyal ng militar at pulisya, buo ang suporta kay BBM

Tiniyak ng mga dating opisyal ng militar at pulisya ang kanilang buong suporta sa kandidatura ni dating senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa pampanguluhang halalan sa Mayo 9.

Naniniwala ang mga retiradong opisyal na si Marcos ang best candidate na makapagpapatupad ng mga tunay na reporma, mangangalaga sa national healing at unity, at higit sa lahat makapagbibigay ng suporta sa mayorta ng mga Filipino na higit na nangangailangan ng serbisyo ng gobyerno.

Tiwala rin silang pangangalagaan ni Marcos ang taumbayan, ang mga militar at pulis at kanilang mga pamilya, at mapapanumbalik ang patriotism o pagiging makabayan.


Sakaling piliin ng mga Filipino si Marcos bilang susunod na pangulo ng bansa, tiniyak ng grupo ang kanilang suporta para sa pagkakaisa, kapayapaan, at kaunlaran, kasabay ng panawagan sa lahat na ganito rin ang gawin upang matupad at magampanan nito nang maayos ang kanyang tungkulin.

Kabilang sa mga nakalagda sa manifesto of support sina retired generals Roy Cimatu, Benjamin Defensor Jr., Avelino Razon Jr., Dionisio Santiago, at Filemon Santos, at retired admirals Damian Carlos at Danilo Abinoja.

Facebook Comments