Magugunita na may mahigit 20 baril at iba pang kagamitan ng CPP NPA ang narekober ng tropa ng kasundaluhan sa naganap na engkwentro sa pagitan ng 17th Infantry Battalion at 501st Infantry Brigade at ng tinatayang may labing- limang (15) miyembro ng West Front Committee ng Komiteng Probinsya Cagayan ng CPP NPA sa Brgy. Calassitan, Sto. Niño, Cagayan, noong Agosto 9, 2022.
Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay BGEN Steve Crispillo, PA Commander 501st Infantry Division, sinabi niya na tuloy pa rin ang paghahanap nila sa mga rebeldeng grupo.
Dagdag pa niya, na nasa lugar ang mga ito at siguradong di makakalayo ng pinagtataguan.
Ayon pa kay BGEN. Crispillo, masasabing ang mga narekober na mga baril at ipa bang kagamitan ay hinukay ng mga NPA upang ilipat ng lugar.
Sinabi niya na mayroon na lamang siyam na regular na miyembro ng NPA sa West Front at ang ibang mga armas ay di na mabibitbit.
Natukoy na ang kumander ng grupo ay kinilala na si Edgar Bautista alyas ‘Ka Simoy’, isa sa mga pinakamatandang NPA sa lugar.
Ang buong pamilya din ni Ka Simoy ay nahikayat niyang sumapi sa kanilang grupo ngunit ng masawi na ang kanyang asawa at isang anak noong nakaraang taon sa Baggao, Cagayan habang ang isa naman ay sumuko na.
Ibinahagi ni Crispillo na napabalitang gusto na ring sumuko ni Ka Simoy noong nakaraang taon ngunit sa di matukoy na dahilan ay hindi nito itinuloy ang pagsurrender.
Pinabulaanan din ng heneral ang paniniwala ng mga NPA na sila ay papahirap sa oras na sumuko.
Sinabi ni BGEN Crispillo na mas napaganda pa nga ang buhay ng mga rebelde matapos sumuko.
Hinikayat din niya ang natitirang miyembro ng grupo na magbalik loob na at sumuko.
Aniya malaking tulong din sa kanila ang mga impormasyon ibinabahagi ng mga former rebels sa pagtukoy at kinaroroonan ng mga natitirang NPA pati na rin paghikayat nila sa kapwa dati rebelde upang bumababa na sa bundok at sumuko.